Sa mundong lahat ay nasasaktan, handa ka bang makipagsapalaran?
Mula sa pag-silang palang ng isang sanggol, may nararamdaman na siyang pagpapakasakit. Sa paglabas palang niya sa kaniyang ina. Paano pa kapag lumaki na siya at nagkaroon ng muwang sa realidad sa mundong ibabaw?
Lahat tayo ay masasaktan kahit anong larangan pa sa buhay ang pinag-uusapan. Pagmamahalan, pamilya, personal na mga bagay, eswelahan, laro atbp. Sabi nga nila, Life is unfair, but that makes like fair. So, patas lang ang nangyayari sa bawat tao. Ika nga nila sa agham, may equilibrium. Balance. Kapag may natanggap tayong saya o sarap, hindi pwedeng mawala ang sakit. Kabalikat nila ang isa’t-isa. Parang friends for life. Mula sa simula, hanggang sa katapusan ay hindi sila mawawala. Pero bakit tila marami sa atin dito sa mundo ang nagrereklamo na “Masakit na!”. Hindi ba natin napapansin na ang simpleng pamumuhay dito sa mundo ay dapat nating ipagpasalamat sa gumawa ng lahat? Ang tanong na maiiwan, lahat ba tayo ay handang makipagsapalaran kung puro sakit ang kalaban?
Nagmahal ka na ba? Kapag may sagot ka, alinsunod dito ang mga linyang ‘So, ibig sabihin nito ay nasaktan ka na.” Bakit tila nakatatak na ito sa gunam-gunam ng bawat nilalang sa mundo? Sabi kasi nila, pag nahulog ka isang tao ay humanda kang masaktan. Nandiyan ang sarap at saya, ngunit kailangan mo paring masaktan kahit minsan. Kung kayo man para sa isa’t-isa, at hindi ka masasaktan dahil iniwan ka niya ay malamang meron ibang dahilan. Pero sabi nga, wala tayong pagsubok na hindi malalagpasan. It’s about how we handle things and view them. Kung iwowork naman natin ng maayos ang lahat, bakit pa kailangang may masaktan? Ang sagot ng iba ay lagi daw may sumasaya at nasasaktan sa dulo. Depende syempre sa relasyong napag-daanan niyo o iniwan ninyo.
Pero ang tanong, bakit kailangan bang mayroong nasasaktan LAGI? Isantabi natin ang tanong at samahan niyo akong mag-imagine. Isipin nalang natin ang mundong walang sakit - perpekto. Sa tingin ba nating lahat ay magiging makabuluhan ba ang pananatili natin sa mundo? Edi sana lahat tayo ay nasa langit na kaagad, diba? Kailangan nating lahat masaktan para malaman natin kung ano ang ikinaiba nito sa saya at sarap. Atleast, magpapasalamat parin tayo na nasaktan tayo. Kasi, dahil dito ay nakararamdam rin tayo ng saya at nagiging mas matatag pa tayo. Ika nga, pagsubok lang yan sa buhay at kaya mo yang lagpasan. Maging matatag ka lang at ihanda ang sarili sa bawat pangyayari. Expect the worst. Ulitin ko lang, laging may nasisiyahan at nasasaktan…. sa huli.
(Source: greatkirby)
