Home Read Thoughts TextsInImages Twitter Tapes-Stories

You’re going to make it, even if it’s hard.

Sabi nila, moving on is one of the heaviest life process someone could undergo. Sino ba naman kasi ang gustong iwanan ng taong gusto niya? Sino ba namang anak ang gustong iwanan ng kaniyang magulang? Sinong kaibigan ang gustong mawala ang isa sa importanteng mahal niya sa buhay? At sino ang manhid na hindi masasaktan kapag naranasan niyang siya ay iwanan?

I can’t do it, it’s hard.” - ang sinasabi ng karamihang fresh na fresh pa ang pinagdaanang pang-iiwan sakaniya ng isang tao. Why do you think people are able to say these words? Sa totoo lang, ito ay dahil bago pa nga lang ang lahat at mabigat sa kaloobang siya ay bigla na lamang iwanan. Others say pa nga na hindi niya na talaga kakayanin, hanggang sa kaniyang kwestyunin ang kaniyang pananatili sa mundong ito. Siguro, yung mga tao lang mismo sa kaniyang paligid ang makakaintindi nito; wala nang iba at hindi siya iyon panigurado. Ang nasa utak niya lang kasi ay hindi niya kaya, hindi niya kaya. Pero bilang mga kaibigan at bukas ang isipan na nasa paligid niya, IINTINDIHIN nalang natin ang kalagayan niya. 

Huwag lang nating daanin sa mga mabibigat na salita kapag nakikipag-usap tayo sa mga taong ito. Kailangan lang natin laging ipaalala na “Kaya mo yan!” at kung maaari, ipamukha sa kanila na oras lang ang siyang hihilom sa sugat niyang sariwa pa. Totoo yun. Malibang lamang siya at matuon ang pansin sa ibang bagay, maaari niya nang makalimutan. Pamilyar ba kayo sa FIVE STAGES OF GRIEF (dabda)? Ito daw ang pinagdadaanan ng taong nangangailangan ng healing ng puso. 

  • Denial - Kung saan pilit na sinasabi ng taong iyon na “HINDI ITO MAAARING MANGYARI SAKIN! HINDI TOTOO ANG LAHAT NG ITO!”. Hindi niya kayang tanggapin o paniwalaan ang nangyaring pagkawala.
  • Anger - Kung saan muli niyang qinuquestion kung bakit siya pa at minsan nga’y masama pa ang nagagawa nito; hanggang sa ito’y magrebelde. Marapat na lagi natin silang bantayan sa kung anu man ang kanilang gagawin.
  • Bargaining - Dito, pinipilit nilang huwag silang iwanan sa pamamagitan ng pakikipag-pact or pagdadasal na sana ay hindi muna ito mangyari. Nangyayari ito kadalasan bago mangyari ang pagkawala. Dito nila winiwish o pinipilit na gustuhing bumalik ang taong mahal nila, at maghihintay sila.
  • Depression - matindi ang dinadanas na pagkalungkot, self-pity, frustrations, at kawalan ng pag-asa, ultimo ang plano para sa hinaharap ay bigla nalang nawawasak. Nawawalan ng enerhiya at paniniwala. Suicidal for short.
  • Acceptance - Darating at darating din ang araw na marerealize ng tao na kailangan niyang tanggapin ang pagkawala at mag-letgo. Magpopop sa kaniyang utak ang sudden realizations na kailangan na talagang magpa-ubaya at iwanan ang kaniyang nakaraan. Pag-tanggap.

Sa kahit anong bagay, napakaimposibleng hindi natin ito malampasan. Sa mga ganitong tao, kailangan siguro ang matinding pang-unawa mula sa mga tao at bagay na nasa paligid niya at tulong mula sa malalapit na kaibigan. Sabi nga, natural lang makaramdam ng sakit. Ito pa nga ang mag-aahon sa atin sa pagkakalugmok at matututo tayong humarap sa buhay ng mas matapang at mas may-alam. Hindi dapat tayo tumigil mamuhay dahil mas maganda pa ngang gamitin natin ang ating pinagdaanan bilang sandata sa hinaharap; kung saan matutulungan at mapapayuhan pa natin ang iba.

Ano mang hirap ang pinagdadaanan ng isang tao, lilipas at lilipas din yan. YOU’RE GOING TO MAKE IT EVEN IF IT’S HARD. YOU’RE GOING TO SURPASS ALL OF THOSE PROBLEMS. You just have to be positive. And live your life normally. Kinalaunan, magugulat ka nalang at proud na masasabi sa sarili mong “I’m done.”. Nakapagmove on ka na. Magiging proud ka pa sa sarili mo’t maraming babauning kaalaman.

(Source: greatkirby)

  1. akusiagu reblogged this from greatkirby
  2. 43ty34u3q34tc reblogged this from greatkirby
  3. theycallmedanie reblogged this from greatkirby
  4. iansayshello reblogged this from greatkirby
  5. sweetweakness reblogged this from greatkirby
  6. were-all-half-awake reblogged this from greatkirby
  7. greatkirby posted this