Home Read Thoughts TextsInImages Twitter Tapes-Stories

Thoughts on “Let’s make it last forever”

Nag-iiba daw ang lahat kapag nagmahal ang isang tao. Nag-iiba ang linya ng pag-iisip at ugali. Linya ng pag-iisip; nagkakaroon siya ng mga bagong pananaw sa buhay at binabalak. Ugali: Nag-iiba ang pakikitungo sa tao at kadalasa’y nawawala daw sa sarili sa kadahilanang occupied siya sa ibang bagay, maraming iniisip. Nariyan na ang tipong nasasabi ng isang tao na gusto niyang makasama ang mahal niya ngayon o kaya nama’y masaya na siya doon kaya gagawin niya ang lahat para lang makamtan ito.

Walang batas, manuskripto, banal na utos o sign board sa daan na nagbabawal sa taong magmahal nang wagas. Wagas? Yung tipong wala na siyang nakikitang mali sa isang tao dahil nga nagiging perpekto ito sa kaniyang paningin. Pero tandaang ang wagas ay masama. Lahat ng sobra ay hindi natin ikagaganda. Yung nasobrahan sa turok, masyado nang uumbok. Gaano pa man siguro kabata ang iba sa mundo, nasasabi nila sa isang tao na sana tayo na forever. Yung tipong idededicate niya ang kanta ni Hayley Williams na Hallelujah na kung saan binanggit ang “LET’S MAKE IT LAST FOREVER” ng limang beses. Hindi naman siguro natin masisisi ang ibang tao kung sila ay nagbibigay ng matinding pagmamahal sa isang tao; pero lagi nating iisipin kung nasaang stage na ba tayo ng buhay natin. Merong ilang dahilan kung bakit hindi natin ito nararapat o bagay sabihin:

  • Wala pa tayo sa tamang edad; marami pang makikilala’t makatatagpong mga bagong personalidad, kaugalian at kapaligiran.
  • Maaaring nadadala lamang tayo ng mga taong nakapaligid sa atin. Kumbaga, impluwensiya; masama man o maganda.
  • Hindi tayo nakasisigurado sa kung anong nakahanda’t nakahain satin sa hinaharap. Wala tayong ideya’t alam pa.

Pero nang subukan kong lusungin pa ng mas malalalim ang mga bagay na itong napag-iwanan sa aking gunam-gunam, napagtanto ko ang mas malalim na rason kung bakit gusto ng mga taong sabihin ang mga katagang nasa titulo ng nobelang binibasa mo ngayon. Sabi ko nga dati, everybody wants to feel satisfied, in a good way. Hindi yung nakukuha mo lang yung gusto mo, pero masaya ka sa nakuha mo. It’s not bad to say that, pero mas maganda siguro kung mayroon kang paninindigan para wala ring masasaktan. Di bale, alam naman ng ating Diyos ang nararapat para sa atin. Walang bagay na dadating sa ating buhay na walang silbi, walang katuturan, walang gamit, walang aral na iiwan, walang halaga at bakas na ibibigay. Lagi nating papasalamatan ang Diyos na may mga kaibigan/kaibigan (sana inyong naintindihan) na laging handang umakay sa atin. At higit sa lahat, makukuha natin ang ating kinakamit kung tayo’y nagdarasal, nanalig, gumagawa ng paraan sa mabuting paraan at patuloy na nagiging masaya’t binubuhay lang ang buhay. Ang para sa atin ay para sa atin. Dadating ang takdang panahon. Kung gusto mo talaga ang mga katagang iyong sinabi. Maghintay, manalig, manindigan.

(Source: greatkirby)

  1. littlemissdespondent reblogged this from greatkirby
  2. super-she reblogged this from greatkirby
  3. greatkirby posted this