May ilan akong mga kasabayan sa service na nakakausap ko sa iba’t-ibang madrama/nakakatuwang bagay. At this time, napag-usapan namin ang BESTFRIENDS at mayroong mga tanong sa kanilang isipan. Tinry ko sagutan, kahit ilan lang rin ang itinuturing kong besftfriend at totoong kaibigan. Heto ang mga tanong at sagot.
Q: Kailan mo ba masasabing bestfriend mo ang isang tao?
A: Siguro, hindi natin maiproproclaim na bestfriend natin ang isang tao. Hindi yan parang trabaho na ina-apply-an. Hindi totoong bestfriend ang siyang sianbihan mo na “UY, BESTFRIENDS NA TAYO HA!” Kasi, it comes naturally. Parang marerealize mo nalang na masaya kayo at iba ang pakikitungo niyo sa isa’t-isa.
Q: Pag masaya ka ba sa kaibigan mo, bestfriends na kayo?
A: Totally hindi. Mahirap kasing mag-assume sa totoo lang. Nariyan ang mga sitwasayon kung kailan masasabi natin na baka hindi naman tayo tinuturing na bestfriend nung itinuturing nating bestfriend. Mahirap yun, na ikaw lang ang nag-iisip na bestfriends kayo. Hindi kesyo masaya kayo, ganun na nga. Pwedeng marunong lang siyang makitungo, o magkaibigan lang kayo, pwede ding masayahin lang siya o kaya naman ay ayaw niya lang makasakit ng iba. So, as much as possible siguro, wag tayong mag-assume at relax lang. Kung magiging bestfriends kayo, magiging ganun talaga kayo in the right time.
Q: Anong pinagka-iba ng bestfriend sa true friend?
A: I really dont know. Pero para sa akin, ang true friend ay tanggap ka kung sino ka man at maiintindihan ka lagi, mapapagkatiwalaan mo pa. Ang bestfriend kasi, complete package yan. Nandiyan sa kadramahan, kalokohan, kagaguhan, kasiyahan, kalungkutan, any time! At madalas ay yung tipong tatakbuhan mo sa mga bagay na mabigat; pag may problema. Or yung siyang lolokohin ka kahit nagseseryoso ka, pero hindi aabot sa point na magkakagalit kayo sa isat-isa.
Q: Nang-iiwan ba ang totoong bestfriend?
A: I don’t think so. Totoo = bestfriend. Sabi nga’y aalis ang lahat ng tao sa buhay natin pagdating ng araw, pero ang bestfriend para sa akin ay nandiyan lang parati. Sa ano mang saya o sakuna na pagdaaanan natin. Siya yung aasahan at pagkakatiwalaan natin eh. Kaya hindi nang-iiwan ang TOTOONG Bestfriend.
(Source: greatkirby)