Home Read Thoughts TextsInImages Twitter Tapes-Stories

Sana ay marunong makinig ang mga tao tulad ng kanilang madalas na pagsasalita. I wish people would listen as much as they talk. 

Minsan ay nakakainis ang pakiramdam na ayaw kang bigyan ng isang tao ng isang pagkakataong makapag-salita o madepensahan ang iyong side. Para bagang ayaw ipalabas ang iyong punto. Masasaktan siguro siya kapag nasabi ko ang totoo? O hindi niya kayang tanggapin na may pagkakamali siya minsan kaya ayaw niyang makinig? SANA, Marunong ring makinig ang mga tao, tayo. Kasi sa totoo lang, mahirap yung nagsasalita habang walang nakikinig, ika nga ng ating mga guro. Totoo naman. Kung ako rin naman na ayaw pakinggan, mapipilitan akong tumigil sa inis. Puro nalang sila, siya, sila, siya. Naghahari nanaman, kala mo naman ang sinasabi’y may laman.

(Source: greatkirby)

  1. greatkirby posted this