Nakikita ang halaga pag sila’y lumisan na.
Naranasan mo na bang mabalian ng isang daliri man lang? Sa tingin mo ba’y hindi ito makakaapekto sa araw-araw mong buhay? Isipin mo, dadaing ka lang ng dadaing sa sakit ng dinudulot nito. Bakit kaya napapahalagahan at napagtutuunan lang natin ng pansin ang tao/bagay kapag siya’y maroong sakit o kaya naman ay lumisan na?
Ang bawat tao sa ating mundo ay may tiyak na panahon kung kailan niya lilisanin ang mundong ibabaw. Walang makababago nito, hindi natin makokontrol ang nakatakda. Ngunit masakit mang isipin, hindi natin naipapakita ang ating pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay habang nananatili pa sila dito sa mundo. Kapag nawala sila, wala na tayong magagawa kundi umiyak at sabihin sa sariling sana’y ginawa mong ipakita sa kaniya na mahalaga siya sa’yo. Kapansin-pansin naman na karamihan sa atin ay marahil may HIYA na ipakita ang tunay nating nararamdaman lalo na sa ating magulang. Sa totoo lang, walang masama kung sabihin man lang natin kung gaano natin sila kamahal, o kaya’y yakapin o halikan sila. Ikaw rin, magsisisi ka sa huli kapag wala na sila’t pamana nalang ang natira.
Kaya siguro nasabing nakikita natin ang halaga ng tao kapag sila’y wala na dahil nga nais nating ibalik ang mga araw kung kailan natin sila nakasama. Kaya ngayon palang ay umakto at gumalaw na tayo bago pa mawala ang lahat. Lahat ng bagay ay hindi nawawalan ng halaga. Lahat tayo pantay-pantay. At sa lahat ng bagay, tanging appreciation at pagmamahal lang ang tanging gusto nating ialay sa atin. Act before it’s too late. You’ll never know what’s ahead of you.
(Source: greatkirby)
