Home Read Thoughts TextsInImages Twitter Tapes-Stories

JS PROM.

Junior-Senior Promenade. 

Isa sa mga pinaka-aabangang pangyayari ng mga high school students pag-tungtong sa kanilang ikatlo-ikaapat na taon sa hayskul. Ang linya pa nga ng karamihan sa amin ay “Mamimiss mo ang Kalahati ng buhay mo kapag hindi ka nagprom?” Teka, bakit? Bakit nga ba namin ito nasasabi? Ayon sa karamihan, ito daw yung stage kung saan nag-seseek ng fun ang bata in a romantic, elegant way hindi naman sa malandi at flirty na way na puro sayaw lang ng crush ang iniisip.. Ano nga ba ang ka-abang abang at interesting sa mga Promenade ng High School?

  • First and Last Dance - Yung tipong magiging memorable yung mga taong iyon dahil sila ang una at huling isasayaw mo. Maaaring makakapartner mo sa cotillion o kaya nama’y aasamin mong crush mo ang makakasayaw mo. Hindi naman masamang mangarap diba? Isasayaw lang naman. So, go lang nang go. You’ll never know kung sino ang ipapartner sayo sa dance floor. With dark light effects and romantic songs playing. Alam na!
  • Entourage/Cotillion - Ang pagpasok ng mga hari, reyna, prinsesa, prinsipe ng promenade! Dito masasaksihan ang mga estudyanteng nag-damit diyos at diyosa na naaayon sa tema ng event. Maaaring vintage, Hollywood, Parisian, Aristocratic, A night to remember, Heaven on Earth at iba pa! Mapapansin ang pagpapatalbugan ng mga estudyante sa kani-kanilang suits at gowns!

Pero yung totoo, enjoy nga ba ang Promenade na ito? Lalo na kung sa tulad kong wala naman talagang date? Ieenjoy ko ito kasama ang mga kaibigan ko at isasayaw ko ang mga may gusto. Lol, friends ko lang! Loljk. Okay, so February 14 ang Prom namin at hindi ako ganoong excited. Gusto ko lamang mag-punta roon at magdamit na disente ang dating at ienjoy ang kung tawagi’y kalahati ng buhay estudyante.

(Source: greatkirby)

  1. mahiligsaoreo said: kakaingget wahaha kami kase waLang JS ! -.- Meron Lang mga seniors . nakakairita nga e haha di ko maexpi :((
  2. greatkirby posted this