Home Read Thoughts TextsInImages Twitter Tapes-Stories

Mga bagay na sadyang hindi mapigilan.

  • Sa pilosopo, huminga, pag-tibok ng puso, pag-pikit, pag-galaw, umulan, umaraw, tawag ng kalikasan, tawag ng laman.
  • Pag-mamahal, pagkagusto sa isang tao nang biglaan.
  • Mag-bago ang mga bagay at tao sa mundo, anuman ang mangyari.
  • Ang pag-usad ng kontemporaryong mundo tungo sa mas komplikadong mundo kung saan tumataas ang antas ng pamumuhay.
  • Kompetisyon- sa eskwelahan, sa pamilya, sa mga kaibigan.
  • Mag-isip o manghusga ng tao kahit sa alam mong masama ito.
  • Pag-takbo ng oras, pagtanda ng lahat, pag-bilis ng buhay.
  • Huwag mag-sabi ng mga sikreto sa ibang tao, personal man ito o hindi. Lalo na sa kaibigan o kapamilya mo, dahil nakakaguilty pag hindi sinabi.
  • Mag-salita, magkomento ukol sa iyong paligid at pinagkakakilanlan.
  • Masaktan sa anumang larangan ng buhay, pag-ibig o anu pa man.
  • Makalimot sa mga tao at mga pangyayari sa nakaraan. Lalo na kung pinilit natin itong kalimutan dahil sa pait na siyang iniwan nito.
  • Kabahan sa mga susunod na mga pangyayari sa buhay mo. Mapag-iisip ka kung may saysay ba lahat ng paghihirap mo sa kasalukuyan. Mapapaisip ka kung matutungo ka ba sa landas na nais mong tahakin. 
  • At higit sa lahat, hindi natin mapipigilang mangyari ang nakatakda na. Tayo rin ang siyang gumuhit at humubog dito. Kung naging mabuti tayo sa mundo, malamang ay babalik rin ito. Hindi mapipigilan ang karma; masama man o maganda. Kaya lahat tayo ay hindi mapipigilang matakot at mag-handa.

(Source: greatkirby)

  1. maxyriffic reblogged this from buffstuffyukki
  2. buffstuffyukki reblogged this from greatkirby
  3. vanenebanana reblogged this from greatkirby
  4. jealooo reblogged this from greatkirby
  5. israelmekaniko said: parang matanda mag isip. galing. ^^
  6. greatkirby posted this