Hindi makuntento? Pabago-bago?
Change is the only permanent thing in this world. Lahat daw ay dumaraan sa pag-babago; maaaring pag-unlad o pagka-bagsak. Hindi mapipigilan at hindi kailanmang maglalaho ang change o pagbabago. Pero tila minsa’y sapilitan nalang na ninanais mag-bago ng ilang mga tao o bagay para sa ilang mga rason.
Una, kapag hindi maganda ang nakikita nating pag-takbo ng mga bagay. Nais nating palitan ang ating nakagawian at kinagisnan. Tulad na lamang ng paglayo sa mga kaibigang iniisip natin ay masamang impluwensiya. O di kaya nama’y pagtigil sa isang laro o adiksyon dahil hindi ito nakatutulong sa ating pag-aaral. Marerealize nalang kasi natin minsan na dapat nang baguhin ang ilang mga bagay para sa mas makabubuti, mas makapag-aayos ng estado natin sa buhay.
Sumunod ang twitter, facebook at youtube. Si tumblr, marunong makuntento dahil minsan lang mag-palit ng theme/layout. Eh bakit ang tatlong nabanggit, tila yata paunahang makakamit ng tema na umaakit sa mata ng tao? Eh bakit ang tumblr, kahit hindi nagpapalit ay naaakit ng lahat? Kalokohan. Pagandahan ba ang labanan? Mukha bang beauty contest and internet world? Itigil na yan. Minsan kasi ang hirap talagang mag-adjust sa pagbabago ng tabs, buttons, etc.
Ikatlo ang idinadaing ng mga nabibigo sa pag-ibig. Iniwanan daw sila dahil pinag-sawaan na sila. Kailangan na daw lumipat nung isa, para sa pag-babago o kaya nama’y hindi na nagagalak sa mga nangyayari. Kalokohan nanaman. Pero minsan, napapagod ang tao kaya hindi niya talagang mapipigilang sumakabilang bahay kaya tinatapos na ang lahat, kesa nga naman masaktan diba? Mas maganda yung makuntento sa bagay na mayroong saysay sa’yong buhay.
Well, wala naman daw taong kuntento. Nasa pag-hahandle lang ‘yon ng mga bagay. Kung kaya mo pa, edi diyan ka. Ngunit kung nakikita mo ang sarili mong nasa mas magandang katayuan, bakit hindi ka lumipat doon? Walang nag-babawal saiyo. Pero minsa’y isipin mo ang mararamdaman ng ibang tao. Wag kang tatapak ng iba, wag kang mangbibigo. Gawin mo lamang ito kung kinakailangan. Dahil ang pag-babago ang isa sa pinakamabigat na pang-hawakang pangyayari. Ikaw ba namang masanay sa isang bagay, sa isang iglap na lamang ay maglalaho na parang bula.
(Source: greatkirby)
