Home Read Thoughts TextsInImages Twitter Tapes-Stories

Pag-ibig na matanong.

May gusto ba siya sayo? Hanggang saan ang nais niya sayo? Sigurado ka bang totoo lahat ng iyon? Ipinararamdam niya ba sayo? Hanggang sa gusto na lang ba ang gusto niya sa’yo? May mga limitasyon na ba kayo? Maaari ka ba niyang mahalin higit pa sa ordinaryo? Hindi niyo ba pagsisisihan sa huli na itinaas niyo ang antas niyo? Ano ba ang mga maaaring mag-bago? Magiging cold ba siya sa’yo kapag inamin mo ang totoo mong nararamdaman? Alam niyo ba parehong masamang mag-tago ng nararamdaman? Mahal niyo na ba ang isa’t-isa? Hindi lang sa puntong gusto niyo lang? Hindi naman masamang mag-tapat diba? Bakit hindi mo pa tapatin? Pinanghihinaan ka ba ng loob at nawawalan ng paghuhugutan? Naisip mo ba na maaaring mas maraming mawawala kapag hindi mo pa inamin? Tulad niya, mawawala siya nun diba? Kaya dapat ihanda mo na sarili mo ha? Diba dapat wala kang katakutan? Para sa mahal mong tao? Sino bang may sabing hindi mo kakayanin? Sila ba ang didikta sa mga desisyon mo sa buhay? Sila ba ang nagmamahal? Sila ba ang kokontrol sa pagkatao mo? Hindi diba?

Dapat mong ihanda ang sarili mo sa mga mangyayari diba? Kahit ano pa man ang sabihin niya? Alam mo namang hindi ikaw ang siya ring magdidikta sa feelings niya diba? Kaya alam mo ring kapag nagmahal ka ay dapat handan kang masaktan? Naabisuhan ka ba ng kinauukulan na ang pagmamahal ay masarap at masakit? Itinuro ba sayo ng ma-alam na dapat kang maging matatag sa mga magiging pagsubok? At alam mo bang swerte ka dahil mahal ka rin niya? Nasabihan ka bang hindi lahat ng may gusto sa isang tao ay ginugusto rin sila? Narinig mo na bang hindi lahat ng gusto ay ating makukuha? Napag-munimuni-an mo na bang ito na ang simula ng lahat? Inisip mo na bang iyan ang magiging takda ng isa nanamang bagong pagmamahalan? Oras na ba para kalimutan ang nakaraang nagdaan?

Anu pa man ang mangyari, sinigurado mo bang ito’y makabubuti? Sinong nagturo sa’yong maging mabuti? Hindi ba’t natutunan mo ito sa pamamagitan ng iyong sarili? At naituro mo ba sa’yong sarili na maging mabuti rin sa kapwa? Teka, anong koneksyon ng ating mga sinasabi? Sabi nila’y kailangan mo raw maging isang mabuting kapares? Maging Perpekto ba? Eh hindi naman lumalang ng perpekto ang Diyos hindi ba? Pano kang magiging perpekto? Teka, alam mo bang minamahal ng tao ang isang natural rin na tao? Kaya dapat ba’y wag mo piliting maging perpekto? Alam mo naman yun diba? Mas mamahalin ka raw ng tao kapag hindi ka nag-iiba ng anyo? Yung tipong ikaw na ikaw at walang pinagiba pag nandiyan siya? Oo, ganun ba? Tama ba? Ang totoong nagmamahal rin daw ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo? Bulag daw ang pag-ibig? Kadalasan daw ay kalooban ang tinitignan?

Anu-ano na ang aking sinasabi, wala ka bang masasabi? Naitago mo ba ang lahat ng nakaraan mo? Kahit marami kang nasaktan? Kahit maraming sumakit sayo? Naisip mo bang ito ang tutulong sa’yong maging mas mabuting nilalang? Mas ma-alam, at mas bawas sa pagtatanong? Natuto ka na ba? Tumanaw ka na ba sa mas mabuting phase ng mundo? Ngumiti ka na bang muli? Nakahinga ka na ba ng mas malalim? Inihahanda mo na ba ang sarili mo sa mas mabuting buhay na nasa harapan mo? Natuto ka bang kumalimot ng mapait na nakaraan at mag-tago ng mabuting mga nag-daan? Dapat lang hindi ba? At naabisuhan ka bang mas magiging mabuting mamamayan at taga-pagmahal ka sa hinaharap? Matapos mo sagutin ang lahat ng tanong na ito, wala ka na bang kahaharaping katanungan? Nasabihan ka naman sigurong may hangganan ang lahat diba? Eto na, wala na kong katanungan pa.

(Source: greatkirby)

  1. sikretokasiako reblogged this from pigletlovessyou
  2. pigletlovessyou reblogged this from greatkirby
  3. imneekarrific reblogged this from greatkirby
  4. nagsawanapalasiya reblogged this from greatkirby
  5. carlalola reblogged this from greatkirby
  6. riizzzaaa said: Coool! Katuwa basahin :)))
  7. greatkirby posted this